Sa Pulong ng Komisyong Pansiyensiya't Panteknolohiya ng Mataas na Kapulungan ng Britanya nitong Martes, Mayo 19, 2020 (local time), pinabulaan ng siyentistang Britaniko ang "Conspiracy Theory" tungkol sa pinagmulan ng corona virus sa laboratoryo ng lunsod Wuhan, probinsyang Hubei ng Tsina.
Nang sagutin ang tanong kung ibinunsod o hindi ng sample ng Wuhan Institute of Virology ang COVID-19 pandemic, matindi itong pinabulaanan ni David Robertson, propesor ng University of Glasgow ng Britanya at virology expert. Aniya, walang nakikitang anumang ebidensyang sumusuporta sa konklusyong ito, at itinutulak ito ng "Conspiracy Theory" lamang. Sa kalagayan ng kawalan ng ebidensya, hindi dapat maniwala ang mga tao sa "Conspiracy Theory," dagdag pa niya.
Salin: Lito