Tinukoy nitong Martes, Mayo 19, 2020 (local time) ni Ursula von der Leyen, Presidente ng Komisyon ng Unyong Europeo (EU), na aktibong tinutugunan ng EU ang panawagan ng World Health Organization (WHO) at agarang hinanap ang pondo para sa pagtuklas at pagsubok ng bakuna ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), bagay na nakakapagpasulong ng usaping ito.
Ipinagdiinan niya na sakaling makagawa ng bakuna, dapat igarantiya ang paggamit nito ng lahat ng tao. Ang bakuna ng COVID-19 ay dapat maging pampublikong produkto para sa lahat ng tao sa halip na para sa piling mga tao lamang, dagdag pa niya.
Salin: Lito