Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagkatuwa dahil sa pagbangon mula sa kahirapan ng buong etnikong Maonan, isang etnikong minorya na binubuo ng halos 100 libong populasyon, at naninirahan sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi, gawing timog kanluran ng bansa.
Sinabi ni Xi, na nitong ilang taong nakalipas, nai-ahon mula sa kahirapan ang maraming etnikong minorya ng Tsina at ito ay mahalagang bunga ng pagpupunyagi ng Tsina upang mapawi ang karalitaan.
Dagdag ni Xi, ang pagbangon mula sa kahirapan ay dapat maging simula tungo sa mas maganda at maligayang pamumuhay.
Ipinangako niyang susuportahan at tutulungan ng pamahalaan ang mga etnikong minorya tungo sa ibayo pang pagpapabuti ng kanilang pamumuhay.
Salin: Liu Kai