Sa government work report na ginawa sa sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina na binuksan ngayong araw, Biyernes, ika-22 ng Mayo 2020, sa Beijing, sinabi ni Premyer Li Keqiang, na sa taong ito, patuloy na palalakasin ng pamahalaang Tsino ang pagsupil sa polusyon sa hangin, tubig, at lupa.
Iniharap din niya ang plano ng pagsasagawa ng ilang malaking proyekto ng pangangalaga at pagpapanumbalik ng sistemang ekolohikal.