Sinabi Mayo 22, 2020, ni Carrie Lam, Chief Executive ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na ang lehislasyon ng batas sa pagtatanggol sa pambansang seguridad sa Hong Kong ay makakabuti sa pangangalaga sa mga kapakanan ng mga lokal na residente at mamumuhunang dayuhan.
Sinabi ni Lam na, lalakas ang kompiyansa sa negosyo sa HK, dahil magiging mas ligtas ang lugar na ito, pagkaraang buuin at pabutihin ang sistemang pambatas at mekanismo ng pagpapatupad para sa pagtatanggol sa pambansang seguridad. Binigyan-diin niya na hindi malalagay sa alanganin ang interes ng mga mamumuhunang dayuhan sa HK.
Sa sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan na binuksan kahapon, iniharap para sa pagsusuri ang isang panukalang batas hinggil sa pagtatatag at pagpapabuti ng sistemang pambatas at mekanismo ng pagpapatupad para sa pagtatanggol sa pambansang seguridad sa Hong Kong.
Sinusuportahan ng pamahalaan ng HKSAR ang lehislasyong ito para palakasin ang seguridad sa HK, saad ni Lam.
Salin: Liu Kai