Ayon sa Korean Central News Agency (KCNA), idinaos Linggo, Mayo 24, 2020 ang ika-4 na pulong ng Ika-7 Komisyong Militar ng Sentral na Komite ng Korean Workers Party (KWP). Sinabi ng KCNA na pinanguluhan ni Kim Jong-un, Pangkalahatang Kalihim ng KWP at Pangkalahatang Kalihim ng Komisyong Militar ang nasabing pulong.
Iniharap dito ang mga bagong polisya na gaya ng ibayo pang pagpapatibay ng nuclear deterrent ng bansa, at pagpapanatili ng mataas na katayuan sa pagpapakilos ng estratehikong sandatahang puwersa.
Malinaw na inilahad ni Kim Jong-un ang mga mahalagang isyu at tungkuling dapat lutasin ng sandatahang lakas sa mga aktibidad na militar at pulitikal.
Salin: Lito