|
||||||||
|
||
Upang pagtakpan ang sariling kapabayaan sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), sinasadyang sulsulan ng ilang politikong Amerikano ang racial antagonism at ginagamit nila ang pandemiya upang siraan ang Tsina para makuha ang kapakanang pulitikal.
Kasabay nito, nagsasabwatan ang ilang media at politikong Amerikano para walang tigil na ikalat ang poot sa ibang lahi at palalain ang dibisyon sa lipunang Amerikano.
Sa historikal na pananaw, ang Amerika ay isang bansa ng imigrasyon.
Mayroon itong mahabang kasaysayan sa pagbibigay ng patas na karapatan sa mga mandarayuhan at minoriyang lahi.
Pero sa kasalukuyan, dahil sa panlilinlang ng ilang politikong Amerikano, maraming mamamayan ngayon sa Amerika ang nagtuturing sa mga Asyano bilang tagapagkalat ng corona virus.
Dahil dito, tinatamaan ngayon ng napakaraming problema ang mga Amerikanong may lahing Asyano, Amerikanong may lahing Aprikano, at mga Latino-Amerikano.
Kinakaharap din nila ang grabeng hamon sa buhay at kalusugan.
At dahil sa napakabilis na pagtaas ang unemployment rate, at malubhang naaapektuhan ang kanilang kalagayang ekonomiko, lalung lalo na, ang mga may lahing Asyano at Aprikano.
Ayon sa isang public opinion poll na isinagawa sa buong Amerika noong nagdaang Abril, makaraang sumiklab ang pandemiya, ipinalalagay ng halos 60% ng mga Asian-Americans, ang banta o ligalig ay nakatuon sa kanila.
Sa kalagayan ng pandemiya, ang mga di-makatarungang pakikitungo sa mga Amerikanong may lahing Asyano ay direktang nakakasira at humahadlang sa pagpigil at pagkontrol ng Amerika sa pandemiya.
Sa katagalan, ang isinasagawang panlilinlang at rasismo ng ilang politikong Amerikano ay tiyak na makakapinsala sa kapakanang pang-estado at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Amerika.
Walang kinikilalang lahi at estado ang pandemiya.
Para mapagtagumpayan ang virus, ang tanging paraan ay pagkakaisa at pagkakaroon ng patas na pakikitungo sa isa't-isa.
Ang rasismong ipinakakalat ng White House at Capitol Hill ay nakakapagpasidhi sa kontradiksyon at nakakapagpalala sa paghihiwalay ng lipunang Amerikano.
Itinutulak din ng mga ito ang mga mamamayang Amerikano upang mapoot sa kapuwa at magkagulo.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |