Sa panayam sa China Media Group (CMG), ipinahayag ni Regina Ip Lau Suk-yee, Dating Puno ng Security Bureau (SB) ng Hong Kong, na makaraan ang 23 taon sapul nang bumalik sa inangbayan ang Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), lubhang kailangan ang National Security Legislation para pabutihin ang sistemang pambatas ng HKSAR.
Ipinahayag din niya na ang National Security Legislation ay nakatuon sa mga taong gustong paghiwalayin ang bansa.
Sa ilalim ng naturang batas, ang mga karapatang tinatamasa ng mga tga-HK, na tulad noong nakaraan ay hindi maaapektuhan, diin niya.
Salin:Sarah