Ipinahayag Mayo 26, 2020, ni Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, na ang mga isyu hinggil sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na pinakiki-alamanan ng Amerika ay mga suliraning panloob ng Tsina.
Pero, sa kanyang opinion, hindi naman isinusulong ng Amerika ang alitan, samantala ang mga aksyon nito hinggil sa Hong Kong ay hindi rin nakakatulong sa diyalogo ng Tsina at Amerika.
Espesyal ang atityud ng Amerika sa isyu ng Hong Kong, pero, hindi ito nakakapagtaka, dagdag niya.
Salin:Sarah