Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Donald Trump, nilagdaan ang executive order sa pagkontrol sa social media

(GMT+08:00) 2020-05-29 16:21:07       CRI

Nilagdaan nitong Huwebes, Mayo 28, 2020 ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang executive order, na humihiling na hadlangan ang abilidad ng mga social media company sa pagsusuri sa nilalaman. Ito ay nangangahulugang posibleng humarap sa panganib na pambatas ang mga social media, dahil sa mga nilalamang inilalabas sa plataporma ng social media.

Pero ayon sa Communications Decency Act ng Amerika, hindi pwedeng isakdal ang mga social media platform dahil sa mga nilalamang inilalabas ng mga users.

Ang nasabing executive order ay nilagdaan 2 araw pagkaraang mag-fact-check ang Twitter sa mga tweet ni Trump kaugnay ng plano ng Estadong California na ipadala sa pamamagitan ng koreo ang mga balota ng pambansang halalan sa Nobyembre ng taong ito.

Nag-Tweet si Trump na nagsasabing ang planong ito ay magbubunsod ng pandaraya sa pambansang halalan. Pero sa ibabaw ng tweet ni Trump, lumitaw ang kulay asul na exclamation mark notification na nagsasabing "Alamin ang mga katotohanan ukol sa mail-in ballots." At sa pamamagitan ng link, makikita ng mga netizen ang mga impormasyong nagpapaliwanag sa isyung ito.

Ang ganitong kilos ng Twitter ay nakatawag ng mariing kawalang-kasiyahan ni Trump. Binatikos niya ang Twitter na nagtatangkang makialam sa pambansang halalan, at hiniling ang pagpapalakas ng pagsusuperbisa't pangangasiwa sa social media platform.

Ipinalalagay ng opinyong publiko ng Amerika na posibleng walang bisa ang paglagda ni Trump sa naturang executive order, dahil kinakailangan niya ang koordinasyon ng kongreso.

Magkakasunod na nagpalabas ng mga pahayag ang maraming abogado na nagsasabing ang aksyon ni Trump ay salungat sa Communications Decency Act, at wala itong bisang pambatas.

May 80 milyong tagasubaybay sa Twitter si Trump, at sa loob ng mahabang panahon, inilabas niya sa platapormang ito ang kanyang kuru-kuro sa mga suliraning panloob at diplomatiko.

Ayon sa ulat ng Washington Post, sapul nang manungkulan bilang pangulo ng bansa, inilabas ni Trump ang mahigit 18,000 peke o nakakalinlang na impormasyon. Kabilang dito, lampas sa 3,300 ang inilabas sa Twitter.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>