Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

"Bagong Konsumo, Pagmamahal sa Pamumuhay — Beijing Consuming Season," pinasimulan na

(GMT+08:00) 2020-06-07 13:58:00       CRI

Magkasamang itinaguyod nitong Sabado, Hunyo 6, 2020 ng China Media Group (CMG) at pamahalaang panlunsod ng Beijing ang serye ng aktibidad na pinamagatang "Bagong Konsumo, Pagmamahal sa Pamumuhay — Beijing Consuming Season," bagay na nakakapagpasigla sa konsumo ng mga residente ng Beijing.

Idinaos ang nasabing aktibidad bilang pagsasakatuparan sa mahalagang atas ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), tungkol sa maayos na pagpapasulong ng normal na operasyon ng iba't-ibang uri ng palengke, pagpapanumbalik ng produksyon ng pamilihan at pagtakbo ng mga industriyang panserbisyo.

Tatagal ang serye ng aktibidad hanggang katapusan ng kasalukuyang taon.

Magkakasamang dumalo sa seremonya ng pagsisimula sina Cai Qi, Kalihim ng Munisipal ng Beijing; Shen Haixiong, Presidente ng CMG; at mga kinatawan mula sa iba't-ibang sirkulo ng lipunan.

Mula Hunyo 6, magkakasunod na ipinapalabas ng Beijing ang 12.2 bilyong yuan na consumer coupon, at isasagawa ang serye ng hakbangin para mapasulong ang konsumo ng Beijing.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>