Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Finance Secretary ng HK: hindi mababago ang katayuan ng HK bilang pandaigdigang sentrong pinansyal

(GMT+08:00) 2020-06-08 16:58:34       CRI

Isang online na artikulong pinamagatang "Samantalahin ang pagkakataon," ang ipinalabas Hunyo 7, 2020, ni Paul Chan Mo-po, Finance Secretary ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).

Ayon dito, ang HK National Securtiy Legislation ay mabisang komplemento sa sistemang pambatas ng Hong Kong, at magdudulot ito ng bagong pagkakataon para sa pag-unlad.

Ani Chan, mayroon siyang kompiyansa sa pananatili ng Hong Kong bilang pandaigdigang sentrong pinansyal.

Tinukoy pa sa artikulo na kaunti lamang ang epekto sa Tsina ng isasagawang sangsyon ng Amerika, bagkus, napakataas ng panganib na idudulot nito para sa sarili.

Ito ay mataimtim na haharapin ng pamahalaan ng HKSAR.

Ayon pa kay Chan, noong panahon ng pagbalik sa inang bayan ng Hong Kong noong 1997, 3.2 trilyong Hong Kong dollars ang market value ng Hong Kong Stocks; pero ngayon, lampas na ito ng 36 trilyong Hong Kong dollars.

Bukod sa paglaki ng kabuhayan, ang isa pang mahalagang dahilan ay pag-u-ugnay ng pamilihan at pondo ng Hong Kong at Chinese mainland.

Samantala, ipinahayag din ni Li Xiaojia, CEO ng Hong Kong Exchanges and Clearing Limited (HKEx), na ang HK National Security Legislation ay partikular na tugon sa espesyal na isyu, at hindi nito babaguhin nito ang pungsyon at papel ng Hong Kong bilang pandaigdigang sentrong pinansyal.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>