|
||||||||
|
||
Sa regular na preskon nitong Martes, Hunyo 9, 2020 sa Beijing, inulit ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang intensyon ang panig Tsino na sumali sa umano'y trilateral na talastasan ng Tsina, Amerika at Rusya hinggil sa arms control.
Malinaw at walang pagbabago aniya ang paninindigan ng Tsina dito.
Sinabi kamakailan ni Marshall Billingslea, Espesyal na Sugo ng Pangulong Amerikano sa mga Suliranin ng Arms Control, na nagkaisa ng palagay ang Amerika at Rusya hinggil sa panahon at lokasyon ng talastasan sa nuclear arms control, at inanyayahan na ang Tsina.
Ayon pa sa isang opisyal ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na ayaw ibunyag ang pangalan, kung magpupunyagi ang panig Ruso sa pagsama sa Tsina sa nasabing trilateral na talastasan, hindi isasa-isang-tabi ng panig Amerikano ang posibilidad ng pakikipag-usap sa Rusya hinggil sa pagpapahaba ng Strategic Arms Reduction Treaty II (START II).
Kaugnay nito, tinukoy ni Hua na sa isyu ng pagpapahaba ng START II ng Rusya at Amerika, paulit-ulit na ginawang sangkalan ng Amerika ang Tsina, at ito ay paraan ng Amerika ng pagbaling ng pananagutan sa ibang bansa.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |