Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Krisis sa karapatang pantao sa Amerika, nabunyag dahil sa pandemiya ng COVID-19

(GMT+08:00) 2020-06-11 15:51:39       CRI
Inilabas ngayong araw, Huwebes, ika-11 ng Hunyo, ng China Society for Human Rights Studies ang artikulong may pamagat na "Ang Krisis sa Karapatang Pantao sa Amerika ay Nabunyag Dahil sa Pandemiya ng COVID-19."

Ayon sa artikulo, umabot na sa 2 milyon ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at mahigit 110 libo naman ang mga nasawi.

Anang artikulo, ugatan ng trahedyang ito ang kasakiman at maikling paningin ng pamahalaang Amerikano, mababang episiyensiya, at kawalang responsibilidad nito sa pagharap sa pandemiya.

Dagdag ng artikulo, ibinubunyag sa pandemiya ang mga problemang matagal nang umiiral sa Amerika at lumalala pa ngayon, na gaya ng pagkakawatak-watak ng lipunan, napakalaking agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, diskriminasyong panlahi, kakulangan sa pangangalaga sa mga karapatan at kapakanan ng mga mamamayan sa mababang klase ng lipunan, at iba pa.

Tinukoy din ng artikulo, na pinagwalang-bahala ng pamahalaang Amerikano ang mga babala at mungkahi tungkol sa pandemiya; binigyan ng mas maraming pagpapahalaga ang pansariling kita, sa halip na mga mamamayan; at isinasapulitika ang mga suliraning may kinalaman sa pandemiya.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>