|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Sakay ng Long March-2C rocket, matagumpay na inilunsad, alas dos treinta 'y uno (2:31) kaninang madaling araw, Hunyo 11, 2020, mula sa Taiyuan Satellite Launch Center ng Tsina ang HY-1D, isang ocean observation satellite.

Bubuuin ng nasabing satellite, kasama ng satellite na HY-1C ang kauna-unahang satellite constellation ng Tsina para sa marine civil service.

Ang paglulunsad ng HY-1D ay ika-334 na beses nang paglulunsad na isinabalikat ng Long March rocket series.
Salin: Vera
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |