Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulo ng Tsina at Pilipinas, nag-usap sa telepono

(GMT+08:00) 2020-06-12 16:26:21       CRI

Nag-usap sa telepono Hunyo 11, 2020, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.

Binigyan-diin ni Xi na sapul nang lumitaw ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), sinuportahan at nagtulungan ang pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina at Pilipinas, na nagpakita ng pagkakaibigan ng dalawang bansa. Sa pamumuno ni Duterte, ipinatupad ng Pilipinas ang mga epektibong hakbangin at natamo ang positibong mga bunga. Nananalig ang Tsina na tiyak na magtatagumpay ang mga mamamayang Pilipino sa paglaban sa COVID-19.

Nananangan sa ideya ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan, nakahanda ang Tsina na patuloy na ipagkaloob ang matatag na suporta sa komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng Pilipinas, sa paglaban sa epidemiya.

Nakahanda ang Tsina na isagawa ang mahigpit na pakikipagkooperasyon sa Pilipinas, suportahan ang komunidad ng daigdig sa paglaban sa COVID-19, suportahan ang World Health Orgnization (WHO) na patingkarin ang mas mabuting namumunong papel, para magkakasamang itatatag ang pinagbabahaginang kinabukasan ng kalusugan ng buong sangkatauhan.

Binigyan-diin ni Xi na ang epidemiya ng COVID-19 ay krisis pero dapat samantalahin ang pagkakataon mula sa hamon. Patuloy na pasusulungin ng Tsina at Pilipinas ang aktuwal na kooperasyon sa iba't ibang larangan para magdulot ng benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Sa prosesong ito, tiyak na magiging mas malalim ang pagkakaibigan ng dalawang panig.

Ipinahayag naman ni Pangulong Duterte na ang taong ito ay Ika-45 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Diplomatikong Relasyon ng Pilipinas at Tsina. Ito ay mahalagang milestone sa relasyon ng dalawang bansa. Ang Pilipinas at Tsina ay palagiang magkaibigan, tinututulan ng Pilipinas ang anumang hakbang o kilos na kontra-Tsina. Walang humpay na magsisikap ang Pilipinas para palalimin ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, palawakin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Tsina sa iba't ibang larangan.

Salin: Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>