Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamilihan ng konsumo ng sasakyang de motor ng Tsina, mananatili sa tunguhin ng pagtaas

(GMT+08:00) 2020-06-12 16:15:50       CRI

Ipinakikita ng datos na noong Mayo ng 2020, lampas sa 1.6 milyon ang pagbebenta ng sasakyang de motor ng Tsina. Ito ay lumaki ng 12.6% kumpara noong Abril, at lumaki naman ng 1.8% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

Ito rin ang kauna-unahang paglaki kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon nitong nakalipas na 11 buwan.

Sa news briefing nitong Huwebes, Hunyo 11, 2020, sinabi ni Gao Feng, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na ito ay nagpapakitang unti-unting lumilitaw ang bisa ng mga patakaran ng pamahalaang sentral at lokal sa pagpapatatag at pagpapalawak ng konsumo ng sasakyang de motor. Mabilis na napapanumbalik ang trabaho't produksyon ng mga bahay-kalakal ng sasakyang de motor, at may paglakas ang kompiyansa ng mga mamamayan sa konsumo.

Dagdag ni Gao, may kalakihang espasyo at nakatagong lakas ang pag-unlad ng pamilihan ng sasakyang de motor ng Tsina, at nananatiling masigla pa rin ang pangangailangan sa konsumo ng kotse.

Aniya, kasabay ng ganap na pagpapanumbalik ng kaayusan ng pamumuhay at produksyon sa loob ng bansa, mapapanatili pa rin ng pamilihan ng sasakyang de motor ng bansa ang tunguhin ng matatag na pagtaas.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>