|
||||||||
|
||
Sumabog kahapon ng hapon, Sabado, ika-13 ng Hunyo 2020, ang isang tank truck na may lulang liquified petroleum gas, habang tumatakbo sa haywey sa lalawigang Zhejiang sa silangang Tsina.
Narinig ang dagundong ng pagsabog hanggang sa malapit na nayon, at humantong sa pagkawasak ng mga pabahay at pagawaan.
Ayon sa lokal na awtoridad, hanggang sa kasalukuyan, 19 na ang bilang ng mga nasawi sa pagsabog, at 172 naman ang nasugatan.
Hinahanap din ng mga rescue team ang mga taong natabunan sa mga gumuhong estruktura.
Samantala, iniutos naman ng Work Safety Commission ng Konseho ng Estado ng Tsina, na buong sikap na bigyang-lunas ang mga nasugatan, pabilisin ang paghahanap sa mga nawawala, at isagawa ang lubusang pagsisiyasat sa aksidenteng ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |