![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Isinapubliko ng Tsina, Hunyo 7, 2020 ang white paper na pinamagatang "Aksyon ng Tsina sa Pakikibaka Laban sa COVID-19," na umakit sa atensyon ng komunidad ng daigdig.
Hinggil dito, ipinalalagay ng mga personahe ng United Arab Emirates (UAE) na ang naturang white paper ay karanasan na ibinahagi ng Tsina sa buong daigdig, at mayroong itong napakahalagang katuturan.
Ipinahayag ni Issam Al-Arousi, Dalubhasa ng UAE sa relasyong pandaigdig na, sa unang bahagi ng white paper, nakarekord ang mga pagsisikap na ginawa ng Tsina sa paglaban sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19); at ito ng malalim na impresyon sa komunidad ng daigdig.
Ipinahayag naman ni Tajuddin Radi, Media Specialist na nakabase sa UAE, sa ikalawa at ikatatlong kabanata, ibinahagi ng Tsina ang mga karanasan nito sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, na nagkaloob ng mahalagang karanasan sa daigdig sa usapin ng paglaban sa COVID-19.
Noong 2003, iniharap ng Tsina ang ideya ng pagtatatag ng binagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.
Kaugnay nito, ipinalalagay ni Omar Bitar, dating Embahador ng UAE sa Tsina, na ang pagkalat ng COVID-19 ay pagpapatunay sa realistiko at katuturan ng naturang ideya tungo sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng sangkatauhan. Malawak aniya itong kinukumpirma ng komunidad ng daigdig.
Sa white paper, maraming beses ginamit ang salitang "pinagbabahaginan," na nagpakita ng kahalagahan ng kooperasyon ng iba't ibang bansa ng daigdig sa magkakasamang paglaban sa epidemiya.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |