Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-127 China Import and Export Fair, binuksan sa "cloud"

(GMT+08:00) 2020-06-15 17:17:39       CRI

Binuksan ngayong araw ang online na 10 araw na Ika-127 China Import and Export Fair.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon para sa nasabing perya na gumamit ng platapormang "cloud."

Ang "live broadcast" ay isa sa mga inobasyon ng perya ng taong ito.

Ibinahagi ni Li Jinqi, Puno ng Sentro ng Kalakalang Panlabas ng Tsina, na sa proseso ng live broadcasting, mayroong ding iba pang paraan ng pagpapalitan at kooperasyong pangnegosyo, na maaaring magiging mas epektibo kaysa sa regular na paraan.

Dinaranas ng kalakalang pandaigdig ang malubhang pagkapinsala dahil sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ngayong taon.

Kaya't ipinalalagay ng mga dalubhasa na ang "online fair" ay mabisang plataporma para sa mga negosyante.

Kasabay nito, dahil sa pag-unlad ng digital na kabuhayan ng Tsina, nagkaroon ng mainam na kondisyon ang pagdaraos ng "online fair" sa bansa.

Sinabi ni Li na ang pagdaraos ng "online fair" ay nakakabuti sa pagpapalakas ng kompiyansa ng mga kompanya ng kalakalang panlabas.

Ipinakita rin nito aniya ang responsibilidad ng Tsina, bilang isang napakalaking bansa, sa pagharap sa epidemiya at aktibong pagbibigay-suporta sa sistema ng multilateral na kalakalan.

Ayon pa sa ulat, lumahok sa perya ang mga 25 libong kompanyang Tsino; at itinatag ang 50 exhibition zone ng mga paninda sa 16 na uri.

Bukod sa live broadcasting, maaaring ipakita ng mga kalahok na kompanya ang mga paninda sa maraming paraan na kinabibilangan ng larawan, video at iba pa.

Maari ring idaraos ang onilne video meeting ng mga negosyante.

Ipinahayag ni Qiu Yuepeng, Pangalawang CEO ng Tencent, na ang kombinasyon ng online at offline na negosyo ay tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayan sa kinabukasan.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>