|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling datos na inilabas Lunes, Hunyo 15, 2020 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, noong Mayo, matibay na sumulong ang pagpapanumbalik ng trabaho, produksyon, komersyo at pamilihan ng Tsina.
Ayon pa rito, tuluy-tuloy ring bumuti ang mga pangunahing ekonomikong indeks, at nagpatuloy ang tunguhin ng pagbangon ng kabuhayan.
Ipinakikita ng datos na sa aspekto ng produksyon, noong Mayo, lumaki ng 4.4% ang added value ng industrial above designated size kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, at bumilis ng 0.5% ang bahagdan nito kumpara noong Abril.
Kabilang dito, may kabilisang paglaki ang industriya ng pagyari ng pasilidad at industriya ng hay-tek na pagyari.
Noong Mayo, lumaki ng 1% ang indeks ng produksyon ng industriya ng serbisyo ng bansa kumpara sa sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |