Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lebel II na responde kontra COVID-19, itinaas sa Beijing: presyo ng mga pangunahing bilihin mananatiling matatag

(GMT+08:00) 2020-06-17 20:40:55       CRI

BEIJING, Hunyo 17 - Kaugnay ng paglitaw kamakailan ng mga bagong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa lunsod, itinaas kahapon ng lokal na pamahalaan sa Lebel II mula sa Lebel III ang responde ng lunsod laban sa COVID-19.

Sa preskon, Hunyo 16, ipinahayag ni Chen Bei, Deputy Secretary General ng Munisipal na Pamahalaan ng Beijing, na ang mga klase sa elementarya at middle school ay ibabalik sa online na plataporma, samantalang sususpendihin naman ang pagsisimula ng klase sa mga kolehiyo.

Aniya, ang kalagayang epidemiko sa Beijing ay kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon, matapos maitala sa lunsod ang araw-araw na pagtaas ng mga kumpirmadong kaso mula Hunyo 11.

Dagdag pa niya, apektado ngayon ng impeksyon ang 9 na distrito at 28 pamahayan [neighborhood].

Ang bagong pagkalat ng impeksyon aniya ay pinaniniwalaang sanhi ng human-to-human transmission o kontaminasyon ng mga bagay sa kapaligiran.

Mayroon din aniyang napa-ulat na kumpirmadong secondary infection sa mga close contact.

Kaugnay nito, mayroong 27 pamahayan [neighborhood] na inilagay sa klasipikasyon ng medium-risk zone, at 1 naman ang klasipikado sa high-risk.

Ayon kay Chen, ang mga taong mula sa medium- at high-risk neighborhood at iba pang taong may-kaugnayan sa Xinfadi farm produce market, kung saan nagmula ang karamihan sa mga bagong kumpirmadong kaso ay hindi papayagang umalis ng Beijing.

Samantala, para naman sa iba pang taong nagnanais lumisan ng Beijing, kailangan nilang magkaroon ng negatibong resulta ng nucleic acid test, 7 araw bago lumisan ng lunsod.

Katulad ng dati, ang mga pasaherong magtutungo sa Beijing mula sa ibang bansa ay isasailalim sa obserbasyong medikal sa mga itinalagang lugar, at isasailalim din sa nucleic acid test.

Mahigpit ding ipapatupad ng Beijing ang mga hakbangin ng pag-iwas at pagkontrol sa epidemiya sa mga farmers' market, restawran, at kantina, kasabay ng pagsusuot ng mga guwantes at maskara ng mga empleyado, ani Chen.

Kaugnay ng mahigpit na pagpapatupad ng nasabing mga habangin, ang mga laro at aktibidad na tulad ng basketball, football at volleyball, ay ititigil.

Isasarado rin ang mga lugar na gaya ng mga swimming pool at gym.

Ang mga pagbibiyaheng panturismo sa pagitan ng mga lunsod at lalawigan ay ititigil din, ani Chen.

Samantala, sa naunang pulong na idinaos, Hunyo 15, kasama ang mga lokal na opisyal ng Beijing at mga miyembro ng National Health Commission (NHC) ng Tsina, sinabi ni Cai Qi, Kalihim ng Beijing Municipal Committee ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na kasabay ng mahigpit na implementasyon ng nasabing mga hakbangin, kailangang bigyang priyoridad ang mainam na daloy ng mga pang-araw-araw na pangangailangan, at pagpapanatili ng matatag na presyo ng mga bilihin.

Mariing babala ang ipinahayag ni Cai sa mga negosyante, na huwag susubukang manamantala sa gitna ng epidemiya, dahil, ang sinumang mahuhuli ay papatawan ng parusa, ayon sa batas.

Mula Hunyo 11 hanggang 16, 139 ang naitalang bagong domestikong nahawahan ng COVID-19 sa lunsod.

Ulat: Rhio Zablan

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>