|
||||||||
|
||
Binigyan-diin ni Guo Shuqing, Kalihim ng Paritido Komunista ng People's Bank Of China (PBOC) at Tagapangulo ng China Banking and Insurance Regulatory Commission, na dapat palakasin ng komunidad ng daigdig ang kooperasyon , para dagdagan ang positibong epekto sa kabuhayan at mabawasan ang negatibong epekto. Sinabi din niyang pinahahalagahan ng Tsina ang kasalukuyang patakaran ng pananalapi, at hindi isasagawa ng Tsina ang "flood-like stimulus" o Monetization of Financial Deficit, maging ang Negative interest rates.
Sinabi ito ni Guo sa kanyang video speech sa Ika-12 Lujiazui Forum na binuksan Hunyo 18, 2020 sa Shanghai, Tsina.
Ipinahayag ni Guo na ang paglitaw ng COVID-19 ay krisis at kalamidad para sa kabuhayan ng buong daigdig. Pero, dapat hanapin ang pagkakataon mula sa hamon. Dapat isaisang-tabi ng iba't ibang bansa ang pagkakaiba, at isagawa ang mahigpit na kooperasyon.
Sa susunod na yugto, mag-popokus ang mga departamentong pinansyal ng Tsina sa pagtatatag ng trabaho at mga kumpanya, para mabilis na pasulungin ang pagpapanumbalik ng kabuhayan. Kasabay nito, patuloy na palalakasin ang papel ng patakarang pinansyal, saad ni Guo.
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |