|
||||||||
|
||
Nitong 42 taong nakararaan, sa tuwing bakasyon sa tag-init, sinasamahan ni Xi Jinping ang kanyang amang si Xi Zhongxun, kilalang proletarian revolutionary ng Tsina, sa paglalakbay-suri sa probinsyang Guangdong.
Habang nakasunod sa ama, ang malaking anino ni Xi Zhongxun ay tumatakip sa buong paningin ni Xi Jinping.
Ang responsibilidad ng puspusang paglilingkod sa mga mamamayan at buong Nasyong Tsino, ay laging nananatili sa puso ni Xi Jinping.
Ang personalidad, moralidad, istilo, paniniwala, at pangarap ng naunang proletarian revolutionary ay nakapagbigay ng pangmalayuang impluwensiya kay Xi Jinping.
Iisa ang mga puso ng ama at anak, at ito ay nakatuon sa pagpapatuloy ng responsibilidad.
Ang bawat pananalita at kilos ng ama ay huwaran ng anak tungo sa taos-puso at buong sikap na pagpupunyagi para sa mga mamamayan.
"Parang isang matandang baka, na puspusang naglilingkod sa mga mamamayan: ito ang aking inspirasyon upang ibigay ang aking buong buhay sa usapin ng paglilingkod sa mga mamamayan."
Ito ang sinabi ni Xi Jinping sa kanyang liham sa ama, at ito rin ang napakatibay na pangako ni Xi para sa mga mamamayan.
Laging nasa mga mamamayan ang puso ni Xi Jinping.
Hindi ito nagbabago at walang-hanggan ang damdaming ito para sa mga mamamayan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |