Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Multilateralismo, binigyang-halaga sa ika-75 anibersaryo ng paglagda sa Karta ng UN

(GMT+08:00) 2020-06-25 09:25:50       CRI
Itinaguyod kahapon, Miyerkules, ika-24 ng Hunyo 2020, ng mga think tank ng Tsina, Rusya, at Britanya, ang online forum bilang paggunita sa ika-75 anibersaryo ng paglagda sa Karta ng United Nations (UN).

Lumahok sa porum sina Nicholas Rosellini, Resident Coordinator ng UN sa Tsina; Gabriela Ramos, Chief of Staff ng Organisation for Economic Cooperation and Development; David Chikvaidze, Chef de Cabinet ng United Nations Office at Geneva; at mga kinatawan mula sa sirkulo ng pulitika at think tank ng ibang mga bansa.

Ipinalalagay ng mga kalahok, na ang multilateralismo ay pundasyon para sa mapayapa at matatag na kaayusang pandaigdig at sustenableng pag-unlad ng buong mundo.

Anila, sa harap ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), dapat magkaisa at magtulungan ang komunidad ng daigdig, para magkakasamang pagtagumpayan ang mga kahirapan.

Binigyang-diin din nilang dapat palakasin ang koordinasyon sa loob ng balangkas ng UN, para pasulungin ang kooperasyong pandaigdig, harapin ang mga hamon sa pandaigdigang pangangasiwa, at itatag ang multilateral na sistema.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>