Ipininid nitong Miyerkules, Hunyo 24, 2020 ang Ika-127 China Import and Export Fair (CIEF). Isinalaysay ni Xu Bing, tagapagsalita ng peryang ito at Pangalawang Direktor ng Sentro ng Kalakalang Panlabas ng Tsina, na matatag na tumakbo ang "cloud platform" na unang ginamit sa nasabing perya na nakaakit ng mga dayuhang mamimili mula sa 217 bansa't rehiyon na naging bagong rekord sa kasaysayan.
Sa gitna ng COVID-19 pandemic, napilitang ipagpaliban o kinansela ang on-site exhibition. Ngunit isinusulong nito ang pagkakaroon ng perya ng online reform.
Sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon, binigyan ng bagong lakas ng online CIEF ang kalakalang pandaigdig.
Salin: Lito