Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga aktibidad sa pagbabawal sa ilegal na droga, isinagawa sa iba't ibang lugar ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-06-26 15:56:18       CRI

Biyernes, Hunyo 26, 2020 ay ika-33 International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking.

Ayon sa National Immigration Administration ng Tsina, mula Enero hanggang Mayo ng 2020, natuklasan ng mga departamento ng administrasyon sa imigrasyon ng buong bansa ang 829 na kasong may kinalaman sa ilegal na droga, at nasabat ang 4,792 kilogram na droga.

Sa isa pang may kinalamang ulat, pormal na sinimulan nitong Martes, Hunyo 23 ang ika-94 na magkakasanib na pamamatrolya at pagpapatupad ng batas ng Tsina, Laos, Myanmar at Thailand sa Mekong River.

Sapul nang simulan ang ganitong magkakasanib na pamamatrolya at pagpapatupad ng batas noong 2011, magkakasamang natunton ng nasabing apat na panig ang 7 kasong may kinalaman sa droga, nasabat ang halos 4,600 kilogram na droga, at nadakip ang 9 na suspek, bagay na mabisang nagbigay-dagok sa krimen ng ilegal na droga sa kahabaan ng Mekong River.

Bukod dito, mga aktibidad ng pagbabawal sa ilegal na droga sa magkakaibang porma ang isinagawa sa iba't ibang lugar ng bansa, upang maitaas ang kamalayan ng mga mamamayan sa pagkilala, pagpigil, pagtanggi at pagbabawal sa ilegal na droga.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>