|
||||||||
|
||
Ayon naman kay Ngozi Okonjo-Iweala, espesyal na sugo ng ACT Accelerator, para sa nabanggit na plano, kailangang makakalap ng 31.3 bilyong Dolyares sa loob ng darating na 12 buwan.
Sa isa pang development, sinabi kahapon ni Soumya Swaminathan, Punong Siyentista sa WHO, na umaasa silang pabibilisin ang pagdedebelop ng bakuna laban sa COVID-19, at maisasakatuparan lamang ang target na ito sa pamamagitan ng pandaigdig na kooperasyon.
Ipinaalam din ni Swaminathan, na tinatalakay ng WHO, kasama ng ilang grupo ng pagdedebelop ng bakuna ng Tsina, ang tungkol sa pagpapaibayo ng kooperasyon. Susuportahan at tutulungan aniya ng WHO ang mga grupong Tsino sa pagsasagawa ng klinikal na eksperimento para sa bakuna.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |