|
||||||||
|
||
Ipinahayag ng mga personahe ng iba't ibang sirkulo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) na ang Hong Kong National Security Legislation ay mahalagang hakbanging makakabuti sa pagpapatupad ng patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema."
Ipinahayag ni Jin Ling, Honorary Vice President ng Hong Kong Federation of Women na ang pananalita at aksyon ng ilang puwersang dayuhan ay tuwirang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina at hindi sila matagumpay.
Si Jin Ling, Honorary Vice President ng Hong Kong Federation of Women
Buong tatag na sinusuportahan ng mga taga-Hong Kong ang Hong Kong National Security Legislation, aniya.
Samantala, sinabi ni Kung Chun Lung, Tagapangulo ng Federation of Hong Kong Guangdong Community Organisations, na sa ngalan ng mahigit 800 libong miyembro nito, mahigpit niyang kinokondena ang hegemonismo ng Amerika; at buong tatag na sinusuportahan ang Hong Kong National Security Legislation.
Si Kung Chun Lung, Tagapangulo ng Federation of Hong Kong Guangdong Community Organisations
Sinabi namn ni Lam Lung On, Deputado ng Pambansang Kongresyong Bayan ng Tsina at Puno ng Hong Kong Chinese Importers' & Exporters Association, na layon ng ilang puwersang dayuhan na sirain ang soberanya ng Tsina.
Si Lam Lung On, Deputado ng Pambansang Kongresyong Bayan ng Tsina at Puno ng Hong Kong Chinese Importers' & Exporters Association
"Lubos akong nananalig at sumusuporta sa Hong Kong National Security Legislation. Nagpapasalamat din ako sa pamahalaang sentral sa pagraratipika nito sa nasabing patakaran na tiyak na magbabalik ng kapayapaan sa Hong Kong, aniya.
Ipinahayag din ng ilang opsiyal ng pamahalaan ng HKSAR na ipagkakaloob ng Hong Kong National Security Legislation ang malakas na suporta sa pagpapasulong ng pangmalayuang kaligtasan ng Hong Kong at lalo pang pagpapatatag sa patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema."
Sinabi ni Erick Tsang, Secretary for Constitutional and Mainland Affairs, na bilang taga-Hong Kong at mamamayang Tsino, dapat aniyang pasulungin ang Hong Kong National Security Legislation.
Si Erick Tsang, Secretary for Constitutional and Mainland Affairs
Ang pangangalaga sa kaligtasan ng bansa ay pagpapanatili ng seguridad ng Hong Kong, aniya pa.
Sinabi naman ni Patrick Nip Tak-kuen, Secretary for Civil Service, na napakahalaga ang Hong Kong National Security Legislation para sa pangmalayuang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong at pagsasakatuparan ng patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema."
Si Patrick Nip Tak-kuen, Secretary for Civil Service
Salin:Sarah
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |