Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, nagtalumpati hinggil sa pagpapatibay ng HK National Security Law

(GMT+08:00) 2020-07-01 18:05:22       CRI

Bumigkas Hunyo 30, 2020, ang Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ng talumpati hinggil sa pagpapatibay ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ng National Security Law ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).

Sinabi ng tagapagsalita na itinakda ng pirmihang lupon ng NPC ang National Security Law ng HK, inilagay ito sa Annex III ng Saligang Batas ng HK, isasapubliko at paiiralin ng pamahalaan ng HKSAR ang batas sa Hulyo 1. Ito aniya ay pundamental na patakaran ng Tsina para mapanumbalik ang kaayusan sa HK, ito rin ay mahalagang pangyayaring maituturing na milestone para sa pagsasagawa ng patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" sa HK.

Ipinagkaloob nito ang malakas na paggarantiya para sa pangangalaga sa soberanya, kaligtasan at kapakanan ng pag-unlad ng bansa. Lubos na ipinakikita nito ang komong mithiin ng mga mamamayang Tsino na kinabibilangan ng mga kababayan ng HK.

Sa magkahiwalay na okasyon, ipinalabas ang pahayag hinggil dito ng Tanggapan sa mga Suliranin ng HK at Macao ng Konseho ng Estado ng Tsina, at Liasion Office of the Central People's Government in HK.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>