Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pirmihang delegasyon ng Tsina sa UN, pinuna ang maling pananalita tungkol sa Tsina ng pirmihang kinatawan ng Amerika

(GMT+08:00) 2020-07-01 16:01:07       CRI

Inilabas nitong Martes, Hunyo 30, 2020 ng Tagapagsalita ng pirmihang delegasyon ng Tsina sa United Nations (UN) ang pahayag bilang pagkondena sa maling pananalita tungkol sa Tsina ng pirmihang kinatawan ng Amerika sa UN.

Anang pahayag, ayon sa pirmihang kinatawan ng Amerika sa UN nitong Martes, nagbitaw ito ng salita hinggil sa kalagayan ng karapatang pantao ng Tsina, at nakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina. Nagpahayag ang panig Tsino ng mariing kawalang-kasiyahan at buong tatag na pagtutol rito.

Diin ng pahayag, sa mula't mula pa'y iginigiit ng pamahalaang Tsino ang pagtahak sa landas ng pag-unlad ng karapatang pantao na may katangiang Tsino, at natamo ang kapansin-pansin bunga sa larangan ng karapatang pantao.

Anang pahayag, sa kasalukuyan, kailangang bigyang-pansin ng komunidad ng daigdig ang kalagayan ng karapatang pantao ng Amerika. Sa katatapos na pangkagipitang debatehan ng UN Human Rights Council, buong pagkakaisang pinagtibay ang resolusyon bilang mariing kondemnasyon sa aksyon ng pagkiling na panlahi na nagbunga ng pagkamatay ni George Floyd. Hinimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na mataimtim na suriin ang sarili, at hayaan ang mga mamamayang Amerikano na huminga.

Dagdag ng pahayag, matibay ang determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa kapakanan ng bansa, pagtutol sa pakikialam ng puwersang dayuhan, at pagpapasulong at pangangalaga sa karapatang pantao. Imposibleng magtagumpay ang anumang tangkang isapulitika ang isyu ng karapatang pantao, at pagdungis sa Tsina sa katwiran ng karapatang pantao.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>