Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kauna-unahang inactivated vaccine sa mundo, pasok na sa phase 3 human clinical trial: Pilipinas, priyoridad sa bakuna ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-07-02 14:07:52       CRI

Beijing - Ipinahayag kamakailan ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nag-usap sa telepono sina Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Sa pag-uusap, napagkasunduan aniya nina Duterte at Xi na lalo pang palakasin ang pagtutulungan ng Pilipinas at Tsina tungo sa pagdedebelop ng mura at epektibong bakuna laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Ani Roque, ibinigay ni Pangulong Xi kay Pangulong Duterte ang kasiguruhan na ipamamahagi ng Tsina ang bakuna sa lahat, sa sandaling ito ay mai-debelop.

Dagdag pa ni Roque, dahil ang Pilipinas ay isang kaibigang kapit-bansa, ipinangako rin ni Xi kay Duterte na priyoridad ang Pilipinas sa mga mabibiyayaan ng bakuna.

Matatandaang noong nagdaang Mayo, ipinahayag ni Pangulong Duterte na naniniwala siyang isa ang Tsina sa mga unang makakapagdebelop ng bakuna laban sa COVID-19.

Hinggil dito, inumpisahan ng Tsina, Lunes, Hunyo 29, 2020 ang phase 1 human clinical trial ng kauna-unahang mRNA na bakuna ng bansa laban sa COVID-19, sa Shulan Hospital, lunsod Hangzhou, lalawigang Zhejiang, gawing silangan ng Tsina.

Tinaguriang ARCoV, ang nasabing mRNA na bakuna ay ibinigay sa 23 boluntaryo, at may plano pang kumalap ng 168 iba pa.

Ang mga boluntaryo ay tatanggap ng 2 dose ng bakuna, at hindi na nila kailangang manatili sa ospital sa kahabaan ng pagsubok.

Ang ARCoV ay magkasamang idinidebelop People's Liberation Army (PLA) Academy of Military Sciences, Suzhou Abogen Biosciences at Walvax Biotechnology Co., Ltd.

Sa kabilang dako, sinimulan, Hunyo 23, 2020 sa United Arab Emirates (UAE) ang phase 3 human clinical trial ng inactivated na uri ng bakuna ng Tsina kontra COVID-19.

Ito ang kauna-unahang inactivated na uri ng bakuna sa mundo na pumasok sa phase 3 human clinical trials, at una ring overseas clinical trial para sa bakunang idinebelop ng Tsina.

Ayon sa pahayag nang araw ring iyon ng China National Pharmaceutical Group, o mas kilala bilang Sinopharm, tagapagdebelop ng nasabing bakuna, inaprubahan ni Abdul Rahman Mohammed Al Oweis, Ministro ng Kalusugan ng UAE ang mga kinakailangang dokumento para sa phase 3 human clinical trial.

Ipinahayag naman kay Ni Jian, Embahador ng Tsina sa UAE, na ang kooperasyong ito ay kumakatawan sa matagumpay na internasyonal na pagtutulungan sa larangan ng pananaliksik at pagdedebelop ng bakuna at komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Sa kabilang dako, inanunsiyo, Hunyo 16, 2020 ng Wuhan Institute of Biological Products, kompanyang kasama ng Sinopharm, na walang grabeng side effect ang inactivated na bakuna sa unang dalawang phase ng human clinical trial, at ito ang unang bakuna sa buong mundo na may pinakamainam na immunogenicity at kaligtasan.

Ayon sa pahayag ng Sinopharm, sa unang pagsubok, 180 empleyado nito ang nagboluntaryo para tumanggap ng naturang bakuna, at mahigit 1,000 iba pa ang sumali naman para sa ikalawang pagsubok.

Ayon sa resulta, ang bakuna ay ligtas, epektibo at may mas mababang di-mainam na epekto kumpara sa ibang mga bakunang sumasailalim ngayon sa pagsubok.

Noong Abril 12, 2020, inaprubahan ang bakuna para sumailalim sa phase one at phase two human clinical trial sa Wuzhi county, lalawigang Henan, gawing gitna ng Tsina.

Bukod dito, itinayo ng Sinopharm ang isang high-level biosafety laboratory para sa produksyon ng nasabing inactivated na uri ng bakuna, sakaling ito ay kailanganin para sa pangkagipitang situwasyon.

Kaugnay nito, ipinahayag Abril 15, 2020 ng Beijing Institute of Biological Products ng Sinopharm na mayroon itong kapasidad na magprodyus ng 120 million doses ng bakuna kada taon, samantalang ang instituto naman ng Sinopharm sa Wuhan ay kayang gumawa ng 100 milyong doses kada taon.

Ulat: Rhio Zablan

Sources:

https://news.cgtn.com/news/2020-06-29/China-s-first-COVID-19-mRNA-vaccine-starts-phase-I-clinical-trial-RILRptOyLS/index.html

https://www.globaltimes.cn/content/1192598.shtml

https://www.pna.gov.ph/articles/1105727

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>