Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Delegasyong Tsino sa EU: dapat agarang itigil ng EU ang pakikialam sa mga suliranin ng HK

(GMT+08:00) 2020-07-02 16:29:28       CRI

Ipinahayag, unang araw ng Hunyo 2020, ng Tagapagsalita ng Delegasyong Tsino sa Unyong Europeo (EU) na mali ang mga pananalita ng EU hinggil sa National Security Law ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), at dapat agaran nitong itigil ang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong.

Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon, sinabi ng Mataas na Kinatawan ng EU sa Patakarang Panlabas at Polisiyang Panseguridad, na ang National Security Law ng Hong Kong ay posibleng makapinsala sa awtonomiya at pagsasariling panghustisya ng Hong Kong.

Hinimok nito ang Tsina na igarantiya ang umiiral na kalayaan at karapatan ng mga mamamayan ng Hong Kong.

Binigyan-diin ng tagapagsalita ng Delegasyong Tsino sa EU na ang "Isang Bansa, Dalawang Sistema" ay patakaran ng Tsina, at ang National Security Law ng Hong Kong ay naglalayong pabutihin ang patakarang ito.

Dagdag pa ng tagapagsalita, ipinalalagay din ng EU na ang kasaganaan at katatagan ng Hong Kong ay may mahigpit na relasyon sa patakarang "Isang Bansa Dalawang Sistema," kaya dapat suportahan ng EU ang ibang kinauukulang hakbangin ng Tsina hinggil dito.

Inulit ng tagapagsalita na ang Hong Kong ay espesyal na rehiyong administratibo ng Tsina, at ang mga suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina.

Dapat aniyang aktuwal na sundin ng EU ang pandaigdigang pambatas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, at agarang itigil ang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong at sa mga suliraning panloob ng Tsina.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>