Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagbati para sa Ika-45 Anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand, inihayag ng ministrong panlabas na Thai

(GMT+08:00) 2020-07-02 16:31:50       CRI

Ipinahayag Hulyo 1, 2020, ni Don Pramudwinai, Ministrong Panlabas ng Thailand, ang pagbati sa pagdiriwang ng Ika-45 Anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand.

Sinabi niyang mula noong itatag ang relasyong diplomatiko hanggang maitaas ito sa kasalukuyang komprehensibong estratehikong partnership, malaki ang pag-unlad na nakamtan ng relasyon ng dalawang bansa.

Malalim aniya ang kooperasyon ng dalawang panig sa kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan, turismo, edukasyon, kultura at iba pang larangan.

Ipinahayag pa niyang sa panahon ng magkakasamang paglaban sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), nagtutulungan ang dalawang panig.

Nananalig aniya siyang sa hinaharap, tiyak na maisasakatuparan ang mas malaking pag-unlad sa relasyon ng dalawang panig, at ito ay magdudulot ng mas maraming benepisyo para sa dalawang bansa, sa rehiyong ito at komunidad ng daigdig.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>