Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

NPC ng Tsina: Mahigpit na kinondena ang Hong Kong Autonomy Act ng Amerika

(GMT+08:00) 2020-07-03 16:24:59       CRI

Sa isang pahayag na ipinalabas Hulyo 2, 2020, mahigpit na kinondena at buong tatag na tinututulan ng Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang pagpasa ng Kongreso ng Amerika ng Hong Kong Autonomy Act.

Sinabi sa pahayag na ang aksyong ito ay grabeng lumabag sa pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig, at nakialam rin ito sa mga suliranin ng HK at mga suliraning panloob ng Tsina.

Tinukoy sa pahayag na ang National Security Legislation ay karapatan ng sentral na pamahalan ng iba't ibang bansa ng daigdig. Walang anumang puwersang dayuhan ang mayroong karapatang makialam sa isyung ito.

Binigyan-diin ng pahayag na mahigpit na hinimok ng Tsina ang kongreso ng Amerika at ilang pulitikong Amerikano na agarang itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina na kinabibilangan ng mga suliranin ng HK. Kung hindi, tiyak na isasagawa ng Tsina ang nararapat na katugong hakbangin.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>