Ipinadala nitong Biyernes, Hulyo 3, 2020 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe kay Lazarus Chakwera bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang pangulo ng Republika ng Malawi.
Sa mensahe, ipinagdiinan ni Xi na nitong 13 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Malawi, lumalalim ang pagtitiwalaang pulitikal, at mabunga ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan.
Ani Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pagpapaunlad ng relasyon sa Malawi. Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ni Chakwera para mapasulong pa ang mapagkaibigang relasyon at makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Salin: Lito