Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-60 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Ghana, ipinagdiwang

(GMT+08:00) 2020-07-05 15:52:21       CRI
Nagpadala ng mensahe sa isa't isa, ngayong araw, Linggo, ika-5 ng Hulyo 2020, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Nana Addo Dankwa Akufo-Addo ng Ghana, bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

Binigyan ni Xi ng mataas na pagtasa ang matatag na relasyon at mabungang kooperasyon ng Tsina at Ghana, lalung-lalo na ang kanilang pagsusuportahan at pagtutulungan sa harap ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ipinahayag din ni Xi ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Ghana, na palalimin ang kooperasyon sa loob ng balangkas ng Belt and Road Initiative at Porum sa Kooperasyong Sino-Aprikano, at ibigay ang ambag sa pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Aprika.

Sinabi naman ni Akufo-Addo, na kapansin-pansin ang bunga ng kooperasyon ng dalawang panig at mahigpit din ang pagpapalagayan sa mataas na antas.

Umaasa aniya siyang patatatagin pa ng dalawang bansa ang pagkakaibigan, palalakasin ang koordinasyon, at palalalimin ang kooperasyon.

Dagdag ni Akufo-Addo, ang pagsuporta at pagtulong ng Tsina sa iba't ibang bansang kinabibilangan ng Ghana sa paglaban sa COVID-19 ay hinahangaan ng komunidad ng daigdig.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>