Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paglabag sa batas ng pambansang seguridad, lilitisin sa Hong Kong

(GMT+08:00) 2020-07-05 15:54:56       CRI
Dinakip noong Hulyo 3, sa Hong Kong, ang isang 23-taong gulang na lalaking kalahok sa ilegal na protesta, dahil sa pagdala niya ng bandera tungkol sa "pagsasarili ng Hong Kong," at pagbangga sa mga pulis sa pamamagitan ng motorsiklo.

Siya ang naging unang taong isinakdal alinsunod sa batas ng pambansang seguridad ng Hong Kong, at ang kaso sa kanya ay terorismo at panunulsol ng separatismo.

Kaugnay nito, sinabi kahapon ni John Lee, Kalihim sa Seguridad ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, na lilitisin ang kasong ito sa Hong Kong batay sa iba't ibang batas ng rehiyon na kinabibilangan ng batas ng pambansang seguridad.

Hindi i-e-extradite ang suspek sa Chinese mainland, dagdag niya.

Sinabi rin ni Lee, na magiging bukas sa publiko ang paglilitis at paghahatol sa kasong ito, para ito ay maging halimbawa kung paano ipatutupad ang batas ng pambansang seguridad ng Hong Kong.

May kalayaan ang mga taga-Hong Kong sa pagsasalita at pagtitipon, pero kailangang tupdin ang mga ito alinsunod sa batas, diin ni Lee.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>