|
||||||||
|
||
Sa isyu ng pagharap sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pagkiling na panlahi sa loob ng bansa, sinabi ng mga American netizen na ang mga pulitikong Amerikano na tulad ni Pompeo ay gaya ng "tsuper na natutulog habang nagmamaneho," at di niya alam kung saan ang direksyong patutunguhan ng bansa.
Sa larangan naman ng patakarang panlabas, walang humpay na nagkakamit si Pompeo ng sariling kapital na pulitikal, sa pamamagitan ng paglaban sa Tsina.
Ibinabaling niya ang pansin ng publiko sa Partido Komunista ng Tsina (CPC), at tinatangkang sulsulan ang mga Armerikano upang magkaroon ng ostilong damdamin laban sa CPC at mga mamamayang Tsino.
Nitong nakalipas na halos sandaang taon, sa mula't mula pa'y kinakatawan at buong tatag na pinangangalagaan ng CPC ang kapakanan ng mga mamamayang Tsino, at taglay nito ang malalim na pagtitiwala at taos-pusong suporta ng mga mamamayan.
Sa proseso ng pagharap sa kasalukuyang pandemiya ng COVID-19, muling isinulong ng naghaharing partido ng Tsina ang ideyang "mamamayan muna" at "buhay muna," sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.
Hanggang sa kasalukuyan, walang humpay na tumataas ang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso at mga pumapanaw dahil sa pandemiya sa Amerika.
Pero sa kabila ng pangkagipitang situwasyon kaugnay ng seguridad at kalusugan ng mga mamamayan, abalang-abala pa rin ang ilang pulitikong Amerikano sa pagbaling ng pananagutan sa ibang panig, at ginagawa nilang estratehiya ang pandemiya.
Sa halip ng buong sikap na pigilan at kontrolin ang pandemiya, pinapalaganap ng mga pulitikong tulad ni Pompeo ang tsismis na "ang Tsina ay panganib sa daigdig."
Bilang isa sa mga bansa sa daigdig na unang nakapagkontrol sa pandemiya, batay sa hayagan, maliwanag, at responsableng atityud, palagiang ibinabahagi ng Tsina ang mga karanasan sa pagkontrol at panggagamot sa iba't ibang panig, at ipinagkakaloob, sa abot ng makakaya ang maraming suporta't tulong sa mga bansang may pangangailangan.
Subalit anu-ano ang ginagawa ng mga taong tulad ni Pompeo? Hindi lamang niya pinalalakas ang pagputol ng suplay medikal at pagtalikod sa World Health Organization (WHO), kundi ipinatupad din niya ang umano'y saklolong pandaigdig na sarilinan niyang idineklara.
Bukod dito, sa katwiran ng pandemiya, sapilitang pinabalik ng pamahalaang Amerikano ang mga ilegal na mandarayuhan sa kani-kanilang mga bansa, bagay na humantong sa pagluluwas ng virus, at nagsasapanganib sa pandaigdigang seguridad ng kalusugang pampubliko.
Sa aspekto ng pananaliksik at pagdedebelop ng bakuna at gamot, iginigiit din ng pamahalaang Amerikano ang ideyang "America First."
Sino ba ang totoong gumagawa ng ambag sa kooperasyong pandaigdig kontra pandemiya? Sino ba ang tagapag-sira? Napakalinaw ng sagot!
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |