|
||||||||
|
||
Mahigpit na kinondena ng Tsina ang maling pananalita at hakbangin ng Kanada na may kinalaman sa Espesyal na Reshiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).
Ipinahayag ito Hulyo 6, 2020, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Sa pahayag na inilabas kamakailan, ipinatalastas ni François-Philippe Champagne, Ministrong Panlabas ng Kanada, na ipagbabawal ng Kanada ang pagluluwas ng mga sensitibong gamit militar sa HKSAR, pansamantalang ititigil ang extradition sa HKSAR, at babaguhin ang notes ng mga mamamayan ng Kanada na pupunta sa HKSAR. Sinabi ni Justin Trudeau, Punong Ministro ng Kanada na isinasaalangalang ng Kanada ang ibang hakbanging tulad ng migration.
Tinukoy ni Zhao na ang naturang mga maling pananalita at hakbangin na ipinalabas ng Kanada ay malubhang paglabag sa pandaigdigang batas at pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig. Nakialam ito sa mga suliraning panloob ng Tsina. Matatag ang kapasiyahan ng pamahalaang Tsino sa pangangalaga ng soberanya, kaligtasan at kapakanan ng pag-unlad ng bansa; matatag rin ang kapasiyahan ng Tsina sa pagtutol sa pakikialam ng anumang puwersang panlabas sa mga suliranin ng HKSAR.
Hinimok ng Tsina ang Kanada na agarang itigil ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina at sa mga suliranin ng HKSAR, para maiwasan ang higit pang kapinsalaan sa relasyon ng Tsina at Kanada.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |