Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lunsod ng Tangshan ng probinsyang Hebei ng Tsina, niyanig ng lindol

(GMT+08:00) 2020-07-12 10:55:25       CRI

Ayon sa China Earthquake Networks Center (CENC), niyanig ng lindol na may lakas na 5.1 sa richter scale, alas-6:38 ng umaga, Hulyo 12, 2020, ang distritong Guzhi, lunsod Tangshan ng probinsyang Hebei ng Tsina.

Ayon sa CENC, nitong limang taong nakalipas, 17 iba pang lindol na may lakas na magnitude 3, pataas ang naganap sa loob ng 200 kilometrong nakapaligid sa episentro ng kagaganap lamang na pagyanig.

Naramdaman din ang nasabing lindol sa Beijing at Tianjin.

Ayon pa sa ulat, isang aftershock ang nangyari 7:20 ng umaga nang araw ring iyon, at ito ay may lakas na 2.2 magnitude.

Tulad ng Pilipinas, madalas ding mangyari sa Tsina ang lindol.

Noong Mayo 12, 2008, naganap ang super lindol sa bayang Wenchuan, probinsyang Sichuan ng Tsina na ikinamatay ng mahigit 69 libong tao, ikinasugat ng mahigit 374 tao, at ikinawala ng halos 18 libong iba pa.

Lumampas sa 845 bilyong yuan RMB ang dulot na kapinsalaang pangkabuhayan ng naturang pagyanig.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>