Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kooperasyon at kaunlaran, magkasamang hinahanap ng mga eksperto at iskolar ng Tsina at mga bansa sa Gitnang Silangan

(GMT+08:00) 2020-07-12 13:30:19       CRI

Sa pamamagitan ng video link, nitong Sabado, Hulyo 11, 2020, nagtipun-tipon ang 45 eksperto at iskolar mula sa Tsina at 10 bansa sa Gitnang Silangan para talakayin ang pagpapalalim ng pagpapalitan at pagtutulungan sa gitna ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Malalimang tinalakay ng mga kalahok ang dalawang temang kinabibilangan ng kooperasyon ng Tsina at mga bansa sa Gitnang Silangan sa pakikibaka laban sa epidemiya, at prospek ng kooperasyon ng dalawang panig sa post-epidemic era.

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Xie Fuzhan, Puno ng Chinese Academy of Social Sciences (CASS), na dahil sa pagkalat ng COVID-19 sa buong daigdig, batid ng mga mamamayan ng iba't-ibang bansa na ang tanging paraan para mapawi ang kahirapan ay pagtutulungan at magkakasamang pakikibaka.

Samantala, ipinahayag din ni Zhai Jun, Espesyal na Sugo ng Pamahalaang Tsino sa Gitnang Silangan, na ang epidemiya ay hindi lamang hamon, kundi isa rin itong pagkakataon.

Aniya, kasabay ng pagpapasulong ng panunumbalik ng produksyon at trabaho, dapat walang humpay ding hanapin ng dalawang panig ang mga bagong porma at paraan para mapalakas ang estratehikong pag-uugnayan at pragmatikong kooperasyon.

Ipinahayag naman ng mga dayuhang iskolar na sa mahalagang oras ng pagharap ng buong sangkatauhan sa krisis, mas kailangan ang pagkakapit-bisig at pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at mga bansa sa Gitnang Silangan.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>