Sa pahayag na inilabas nitong Lunes, Hulyo 13, 2020 (local time) ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, binabalewala nito ang ginagawang pagsisikap ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea, sinasadya nitong baluktutin ang kaukulang katotohanan ng SCS at mga pandaigdigang batas na gaya ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), pinapalala ang maigting na situwasyon sa rehiyon ng SCS, sinisira ang relasyon ng Tsina at mga bansa sa rehiyong ito, at isinasagawa ang walang batayang pagbatikos sa panig Tsino.
Ipinahayag ng Embahadang Tsino sa Amerika ang buong tinding pagtutol tungkol dito. Anito, palagian at malinaw ang posisyon at paninindigan ng panig Tsino sa isyu ng SCS. Buong tatag na pinangangalagaan ng panig Tsino ang soberanya ng teritoryo at karapatan at kapakanan nito sa SCS, at iginigiit ang mapayapang paglutas sa kaukulang hidwaan sa pamamagitan ng direktang talastasan at pagsasanggunian ng mga kinauukulang panig.
Anito pa, ang Amerika ay hindi kasaling panig sa hidwaan sa SCS, ngunit madalas itong nanghihimasok sa isyung ito. Sa pangangatwiran ng pagprotekta sa katatagan ng SCS, ipinakikita ng Amerika ang karahasan, at isinusulsol ang konprontasyon sa rehiyong ito.
Anang Embahadang Tsino sa Amerika, hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na totohanang tupdin ang pangako nitong walang pinapanigan sa isyu ng SCS, igalang ang ginagawang pagsisikap ng mga bansa sa rehiyong ito sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng SCS, at huwag maging tagasira ng kaayusan sa rehiyon.
Salin: Lito