Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pinapurihan ng mga bansang ASEAN ang hakbangin ng Tsina sa paglaban sa COVID-19; kooperasyon lalo pang isasagawa para igarantiya ang maalwang operasyon ng transportasyon

(GMT+08:00) 2020-07-17 16:33:35       CRI
Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng mga Ministro ng Transportasyon ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na dapat palakasin ang kooperasyon para igarantiya ang maayos na operasyon ng sistema ng transportasyon ng Tsina at ASEAN, at pangalagaan ang katatagan ng supply chain ng buong daigdig.

Ipinasiya ito sa Espesyal na Online Meeting ng mga Ministro ng Transportasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN sa paglaban sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na idinaos Hulyo 16, 2020.

Sa kanyang keynote speech, ipinahayag ni Li Xiaopeng, Ministro ng Transportasyon ng Tsina na, walang pinipiling hanggahan ang pandemiya ng COVID-19. Ang pagkakaisa at pagtutulungan ay kinakailangang pagpili. Umaasa siyang patuloy na susuportahan ng iba't ibang panig ang ideya ng kooperasyon. Iminungkahi niya na palakasin ang pag-uugnay at koordinasyon ng mga departamento ng transportasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN para hanapin ang bagong punto ng pagdaragdag sa kooperasyon.

Pinapurihan ng mga Ministrong Panlabas ng mga bansang ASEAN ang hakbangin ng Tsina sa paglaban sa COVID-19. Iminungkahi nila na dapat lalo pang palakasin ang kooperasyon para magbigay ng mas malaking ambag para sa pagpigil ng pandemiya at pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa rehiyong ito.

Sinang-ayunan sa pulong ang magkasanib na pahayag hinggil sa paglaban sa COVID-19 at pagpanumbalik ng pagpoprodyuse.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>