Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-12 Pulong ng China-Vietnam Steering Committee for Bilateral Cooperation, idinaos sa Beijing

(GMT+08:00) 2020-07-22 17:19:15       CRI

Idinaos Hulyo 21, 2020 sa Beijing ang Ika-12 Pulong ng China-Vietnam Steering Committee for Bilateral Cooperation, na magkasamang pinanguluhan nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Pham Binh Minh, Pangalawang Premyer at Ministrong Panlabas ng Biyetnam.

Ipinahayag ni Wang na nakontrol na ng Tsina at Biyetnam ang epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Lumaki ng mahigit 18% ang kalakalan ng dalawang bansa na nagpakita ng malaking espasyo ng bilateral na kooperasyon ng dalawang panig.

Inulit ni Pham Binh Minh na priyoridad ng Biyetnam ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina sa mga patakarang panlabas ng Biyetnam. Buo ang kaniyang kompiyansa sa pagpapabuti ng relasyon ng Tsina at Biyetnam.

Hinggil sa isyu ng South China Sea, ipinahayag ni Wang na walang pagbabago ang patakaran ng Tsina sa South China Sea. Dahil sa sariling geopolitical strategy, ginugulo ng Amerika ang South China Sea, sinisira ang pagkakaisa at kinabukasan ng pag-unlad ng mga kinauukulang bansa. Lulutasin ng Tsina at Biyetnam ang pagkakaiba sa pamamagitan ng bilateral na diyalogo, susundin ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), pasusulungin ang pagsasanggunian ng Code of Conduct in the South China Sea, at hindi papayagang sirain ito ng puwersang dayuhan.

Ipinahayag ni Pham Binh Minh na nakahanda ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina, para pasulungin ang kooperasyong pandagat at magkakasamang pag-unlad.

 

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>