Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Isinara ng Tsina ang Konsulado ng Amerika sa Chengdu

(GMT+08:00) 2020-07-24 18:32:32       CRI

Ipinaalam umaga ng Hulyo, 24, 2020, ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Embahada ng Amerika sa Tsina, na inaalis ng Tsina ang pahintulot nito sa pagtatatag at operasyon ng Konsulado ng Amerika sa Chengdu, at iniharap ng Tsina ang konkretong kahilingan sa pagtitigil ng lahat ng aktibidad ng nasabing kunsulado

Ipinasya Hulyo 21 ng Amerika na isara ang Konsuladong Tsino sa Houston, na malubhang lumabag sa pandaigdigang batas at prinsipyo ng relasyong pandaigdig at mga kinauukulang regulasyon ng China-U.S. Consular Treaty. Malubha rin nitong sinira ang relasyong Sino-Amerikano.

Ang naturang hakbangin ng Tsina ay kinakailangang countermeasure sa di-makatwirang aksyon ng Amerika. Ito'y angkop sa pandaigdigang batas at prinsipyo ng relasyong pandaigdig, ito rin ay customary diplomatic practice.

Hindi nais ng Tsina ang kasalukuyang kalagayan sa pagitan ng Tsina at Amerika, at ang Amerika ay dapat managot sa paglikha ng kalagayang ito. Hiniling muli ng Tsina sa Amerika na agarang bawiin ang mga maling kapasiyahan, at likhain ang kinakailangang kondisyon para sa pagpapanumbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa normal na landas.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>