Makatwiran ang pagsasara at pagbawi ng Tsina ng Konsulado Heneral ng Amerika sa Chengdu at pagpasok ng Tsina sa gusaling kinaroroonan nito, dahil ito ay kailangang reaksyon ng Tsina laban sa di-makatwirang aksyon ng Amerika na ipasara ang Konsulado Heneral ng Tsina sa Houston.
Ipinahayag ito sa regular na press conference nitong Hulyo 27, 2020, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.
Ibinahagi muli ni Wang ang proseso ng buong pangyayari: noong Hulyo 21, unilateral at biglang hiniling ng Amerika sa Tsina na isara ang Konsulado Heneral sa Houston. Noong Hulyo 24, sinabihan naman ng Ministring Panlabas ng Tsina ang Amerika na isara ang Konsulado Heneral nito sa Chengdu. Umaga ng Hulyo 27, umalis sa compound ang mga tauhang Amerikano, ayon sa kalihingan ng Tsina. Pagkatapos, pumasok sa loob ng gusali ang awtoridad na Tsino para kunin mula sa kanila ang lugar.
Binigyan-diin ni Wang na hindi ito ang gustong kalagayang makita ng Tsina. Amerika ang siyang may pananagutan dito. Muling hinimok ng Tsina ang Amerika na agarang iwasto ang mga kamalian, para likhain ang kinakailangang kondisyon para sa pagpapanumbalik ng relasyong bilateral sa normal na landas ng pag-unlad.
Salin:Sarah