Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina: dapat itigil ng EU ang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong at mga suliraning panloob ng Tsina

(GMT+08:00) 2020-07-30 16:41:54       CRI

Hinimok ng Tsina ang Unyong Europeo (EU) na igalang ang paninindigan at aksyon ng Tsina sa pangangalaga sa seguridad ng bansa sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), at agarang itigil ang anumang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong at mga suliraning panloob ng Tsina.

Ipinahayag ito Hulyo, 29, sa regular na preskon, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina.

Ayon sa ulat, ipinalabas kamakailan ng EU ang isang serye ng hakbanging nakatuon sa National Security Legislation ng Hong Kong, na kinabibilangan ng limitasyon ng pagluluwas ng mga sensitibong pasilidad na pangteknolohiya sa Hong Kong.

Binigyan-diin ni Wang na layon ng pagtatakda at pagsasagawa ng National Security Law ng Hong Kong na pasakan ang mga butas pambatas na umiiral sa Hong Kong sa mahabang panahon sa aspekto ng pangangalaga sa seguridad ng bansa.

Dagdag pa ni Wang, ang nasabing batas ay kukumpleto rin sa sistemang pambatas ng rehiyon at magpapatatag sa patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema."

Ito'y hindi lamang angkop sa Konstitusyon, pundamental na batas, makakabuti sa seguridad, kasaganaan at katatagan ng Hong Kong sa pangmatagalang panahon, kundi makakabuti rin sa pangangalaga sa makatwiran at lehitimong karapatan ng mga tauhan at negosyong dayuhan sa Hong Kong.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>