Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ministrong Panlabas ng Tsina: Dapat mag-pokus ang kooperasyon sa ASEAN sa kapuwang paglaban sa COVID-19 at magkakasamang pag-unlad

(GMT+08:00) 2020-07-31 17:48:54       CRI

 

Sa susunod na yugto, dapat magpokus ang ugnayan ng Tsina at Silangang Asya sa dalawang tema: pagkakaisa sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at magkakasamang pagpasulong ng pag-unlad.

Ipinahayag ito Hulyo 30, 2020, ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa virtual meeting kay Retno Lestari Priansari Marsudi, Ministrong Panlabas ng Indonesya.

Umaasa si Wang na magkakasamang magsisikap ang Tsina at Association of Southeast Asian Nations(ASEAN) para pasulungin ang kooperasyon ng Timogsilangang Asya upang matamo ang mas maraming positibong bunga.

Nakahanda ang Tsina na magkaloob ng kinakailangang suporta sa ASEAN sa paglaban sa COVID-19, at itatag ang pinagbabahaginang kinabukasan ng kalusugan ng Tsina at ASEAN.

Sinabi din ni Wang na dapat patuloy na pasulungin ang pag-uugnay ng "The Belt and Road " Initiative (BRI) at Master Plan on ASEAN Connectivity 2025 (MPAC2025). Isasagawa ang malawak na kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa industriyang pandagat at ibang aspekto ng "blue economy".

Ang susunod taon ay Ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng dialogue partnership ng Tsina at ASEAN. Sa pamamagitan ng pagkakataong ito, lalo pang palalawakin ng Tsina at ASEAN ang relasyon nila, para magkasamang labanan ang panganib, at mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, saad ni Wang.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>