|
||||||||
|
||
Ang taong ito ay ika-93 anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Liberation Army (PLA), sandatahang lakas ng Tsina.
Kaugnay ng mga natamong bunga ng PLA sa taong ito, binanggit ni Robert Lawrence Kuhn, tagapag-analisa ng China Global Television Network (CGTN), ang dalawang bagay.
Ayon kay Kuhn, isa ay pagsisimula ng paggamit ng Nanchang guided-missile destroyer, isang modernong bapor pandigma. Ito aniya ay nagpakita ng pagsulong ng lakas militar ng Tsina.
Isa pa ay paglahok ng malaking bilang ng mga kawal ng PLA sa paglaban sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Ipinakita nito ang priyoridad ng Tsina sa pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan nito, saad ni Kuhn.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |